Laganap na ang
paggamit ng teknolohiya ngayon. Nakatutulong ang teknolohiya dahil napapabilis
nito ang pagkalap ng mga impormasyon. Sa tulong nito ay mahahanap agad ang mga
hinahanap na impormasyon.
Sa buwan ng
Nobyembre ay ipinapagdiriwang ang Filipino Values Month upang ipaalala sa atin
ang mga pagpapahalaga sa ating buhay. Ang tema ngayong taon ay “Mapanuring
Paggamit ng Gadget tungo sa Mapagkalingang Ugnayan sa Pamilya at Kapwa”. Ipinapahayag ng tema
ang tamang paggamit sa ibat ibang uri ng teknolohiya. Karamihan ngayon ay
inaabuso at hindi ginagamit sa tama ang mga uri ng teknolohiya. Ang teknolohiya
dapat ay gamitin sa tama gaya sa pagkalap ng impormasyon at sa pakikipagugnayan.
Dapat gamitin sa
wasto ang mga uri ng teknolohiya, gaya ng mga gadget. Gamitin sa pagkalap ng
importmasyon at sa pakikipagunayan sa ating pamilya at kapwa.