Sunday, 5 August 2018

Palaganapin ang Wikang Filipino



     Ipinapagdiriwang ng buong Pilipinas ang Buwan ng Wika tuwing buwan ng Agosto. Iniluluksa rin ito ng mga Pilipino na nasa ibang bansa. Ang tema ng Buwan ng Wika ngayon ay "Filipino: Wika ng Saliksik". Ang ibig ipahayag ng tema ngayon ay aang paggamit ng Wikang Filipino sa iba't ibang pag-aaral.



     Ang Buwan ng Wika ngayon ay layunin na maisakonteksto ang pag-aaral ng gramatika sa pangkahalatang larang ng pag-aaral ng wika;  matalunton ang simula at pag-unlad ng gramatika ng Wikang Pambansa sa Pilipinas;  masuri ang nilalamang panggramatika ng Kurikulum ng K-12; matalakay ang mga aspekto at katangian ng ilang pangunahing katutubong wika sa Pilipinas;  maitampok ang mga saliksik sa gramatika ng mga piling institusyon at organisasyon sa Filipinas; at  matalakay ang ilang estratehiya ng pagtuturo ng gramatika. 


       Dapat nating pahalagahan ang ating Wikang Filipino. Dapat nating palaganapin ang wikang Filipino sa iba't ibang larang ng karunungan, lalo na sa agham at matematika. Dapat tayong magsaliksik, linangin at ibahagi ang wikang Filipino.


Source:
http://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2018/06/DepEd-Advisory-Kongreso-sa-Wika-2018.pdf

4 comments: